Martes, Disyembre 8, 2015


     Ang paborito kong kanta ay "Invisible ni Hunter Hayes" dahil ang kantang to ay patungkol sa mga taong akala nila ay hindi sila mahalaga sa mundong ito na akala nila ay wala silang kalayaang ipahayag ang kanilang sarili sa mga taong nasa paligid nila. Ipinapahayag ng kantang ito na hindi ka invisible o di ka nakikita ng tao, sinasabi dito na dapat ipahayag mo ang gusto mong sabihin at hindi lang ikaw ang nakakaranas ng mga ganitong uri ng mga problema sa buhay.

  Angkop ang ginamit na Music video sa kanta, dahil yung mga tao na akala nila ay wala silang silbi ay nagiging invisible o parang naglalaho. At makikita mo rin na kung paano bumalik ang kanilang kaanyuan dahil sa mga bagay na kanilang ipinaglaban, dahl alam nilang "You're not an Invisible" na nagkaroon sila ng motibasyon upang labanan ang kanilang gustong gawin o ipahayag

Huwebes, Nobyembre 19, 2015

TaNay ng Aking Buhay


    Mula sa aking pagkabata nakita ko na ang kanilang pagmamahal, pag-aaruga at walang sawang pagsuporta nila bilang magulang. Sa tuwing ako ay makikipag-usap sa aking mga kaklase ay nahihiya akong sabihin ang katagang "Nanay" at "Tatay" dahil ayokong maiba sa aking mga kamag-aral na "Mama" at "Papa" ang tawag nila, nahihiya ako dahil baka mapagkamalan akong sobrang hirap, ngunit aking napagtanto na hindi basehan ang katawagan upang sila'y ipagmalaki o ikahiya kaninuman. Nais ko pa ngang magpasalamat sa kanila dahil lahat ng bagay na gugustuhin ko ay naibibigay nila.

    Maaga silang nag-asawa noon sa gulang na labing walo ay nagpakasal na sila. Hindi alam kung paano ang magiging buhay sapagkat ang aking ama ay umabot lamang sa 2nd Year High School, at ang aking ina ay di nakapagtapos ng kolehiyo. Dahil sa sipag at tiyaga nilang dalawa na kahit pangingisda lamang ang hanapbuhay noon ng aking ama ay masasabi kong marangya ang buhay namin. Sa katunayan isa ang aming bahay na may malaking sukat ng lupa sa aming lugar sa probinsya. Nakapagtapos ang aking ate sa kolehiyo at ang isa naman ay "undergrad" ng kolehiyo dahil hindi kayang pagsabayin ang kanilang matrikula. Ako' hangang hanga sa kanila dahil bumibili sila ng mga bagay na alam nilang ikatutuwa ko masyado nila akong "inispoiled" ika nga. Ngayon na nag aaral kami ay lagi saming sinsabi ng aming ama na "Sana buhay pa ko pag nakuha nyo na ang gusto niyong propesyon, kase gusto ko kayong ipagmalaki sa kanila" at "ayokong matulad kayo sakin na High school lang ang inabot ko" habang naririnig ko to ay mayroong kirot sa aking puso, na sana nga ay kapiling pa namin sila pag kami ay nakapagtapos na sa kolehiyo dahil ngayon ay matanda na sila. Pag nangyari yung arae na yun ipagmamalaki ko sila mg husto na kahit ganito ang istorya ng buhay ng magulang ko ay Proud ako dahil pinalaki nila kami ng tama at may pangarap sa buhay.

   Sana ipagmalaki natin ang ating mga magulang at kung mayron mang hindi pagkakaunawaa ay ayusin agad natin ito, dahil bilang anak ay kailangan din nating intindihin na ang ating mga magulang ay nag kakaedad na . Tay, nay mahal ko po kayo kahit na hindi ko ito sinasabi sainyo ng personal, dajil kayo ang TaNay na nagsisilbing Tulay sa para aking magandang buhay

Linggo, Nobyembre 15, 2015

Realisasyon, Banga sa Realidad ng Buhay

     
     Gaya ng isang banga na may iba't-ibang uri ay ganun rin sa mundo ng mga tao. Gaya na lamang sa Pilipinas na tinaguriang may pinakamatandang demokrasyang pamamahala sa buong mundo, ay kalakip nito kung nasusunod nga ba ang pantay-pantay na trato ng ilang tao sa mga nakababa sa kanila ?

    Ang aking napagtanto sa aralin na ito ay lahat tayo'y pantay-pantay NGUNIT kailangan nating isaalang-alang ang limitasyon na humaharang sa pagitan ng magkaibang uri ng tao. Ang mahirap sa mayaman, maaaring makipagkaibigan ka sa kanila ngunit hindi natin alam kung hanggang saan ang kaya nilang makipag-ugnayan sa mga taong hindi nila ka-lebel. Ang maganda sa pangit, ang Pinoy sa ibang lahi, ang maputi sa maitim, ang lalaki sa babae, at marami pang iba.

Lunes, Oktubre 26, 2015

10/7 (10 utos sa 7 araw)

Ayun! ngayon ay sem-break na, isang linggong pahinga ito para sa amin dahil sa mga sunod sunod na gawain sa paaralan. At dahil sem-break na gagawa ako ng sampung utos upang may magawa ako. Narito ang sampung utos ni Frances para sa isang linggong bakasyon.

1.) Magbasa ng aralin sa Fil.- kailangan gawin na ito para matapos agad, dahil mahirap nang dumami ang mga gawain at ito ay pampalipas oras na rin para samin.

2.) Mag-eensayo para sa aming Sayaw at interpretasyon- malapit na ang Culminating Activity at kailangan maganda ang kinalabasan ng aming output, dahil bukod sa dagdag marka ito ay kailangan makahikayat kami sa mga manunuod kaya dapat paghandaan ito.

3.)Kumain sa tamang oras- kailangan kong kumain ng marami dahil nitong mga nakaraang buwan lamang ay hindi na ako nakakain ng maayos dahil sa mga gawain.

4.)Matulog ng sapat sa oras- ngayon na ako makakabawi ng tulog dahil hindi na ako nakakatulog ng maaga dahil sa maraming gawain.

5.)Manuod ng pelikula- ngayon na lang muli ako makakapanuod ng mga pelikula at gusto ang mga gawang Pilipino at syempre Ingles.

6.)Gumala- hindi na ko nakakapaggala nitong mga nakaraang araw kasama ang aking mga kapatid dahil ang mga kasama ko ay mga kaklase ko at dahil sem-break naman ay gusto kong makasama ang aking mga kapatid.

7.) Maglaro sa labas- gusto kong maglaro gaya ng badminton, dahil puro sayaw na lang lagi ang pampalipas oras ko noon.

8.)Mag-ensayo- hindi porket sem-break ay hindi na ko mag eensayo araw araw gusto ko ay maging malusog pa din ang aking pangangatawan.

9.)Recreational Activities- gusto ko naman maglaro saloob ng bahay gamit ang scrabble dahil matagal tagal na akong hindi nakakapaglaro nito.

10.)Mag-advance study- kasabay sa pagbabasa ng aralin sa Fil. Ay gusto ko ding magbasa basa sa ibang libro upang hindi na ako maghahabol at malilito pag kami ay may leksyon na.

Lunes, Oktubre 5, 2015

Bakit mahalagang matutunan ang pagsulat ng sanaysay?


   Para sa 'kin, mahalaga ang pagsulat ng sanaysay, dahil nakapagbibigay tayo ng ating opinyon sa tamang paraan na hindi tayo nakapananakit ng damdamin ng iba, dahil ang sanaysay ay may mga paraan na kung saan ay nakapagbibigay ng ating kaalaman sa panunulat, hindi lang sa panunulat kundi pati na rin sa paraan ng ating pananalita. Mahalaga ito sa mga estudyante na tulad ko dahil, magagamit ito sa mga talumpatian dahil nakapagbibigay ng opinyon sa pormal na paraan at maaari itong magamit sa ating paglaki, maaaring maging isang journalist sa isang dyaryo, na kung saan ay mailalagay sa pahina ng Editoryal. Kaya bilang estudyante ay hinihikayat ko na maging manalaysay ang bawat isa upang sa pagbibigay ng ating opinyon ay maayos at maganda ang dating sa bawat tagapakinig o tagabasa.
   Para sa 'kin, mahalaga ang pagsulat ng sanaysay, dahil nakapagbibigay tayo ng ating opinyon sa tamang paraan na hindi tayo nakapananakit ng damdamin ng iba, dahil ang sanaysay ay may mga paraan na kung saan ay nakapagbibigay ng ating kaalaman sa panunulat, hindi lang sa panunulat kundi pati na rin sa paraan ng ating pananalita. Mahalaga ito sa mga estudyante na tulad ko dahil, magagamit ito sa mga talumpatian dahil nakapagbibigay ng opinyon sa pormal na paraan at maaari itong magamit sa ating paglaki, maaaring maging isang journalist sa isang dyaryo, na kung saan ay mailalagay sa pahina ng Editoryal. Kaya bilang estudyante ay hinihikayat ko na maging manalaysay ang bawat isa upang sa pagbibigay ng ating opinyon ay maayos at maganda ang dating sa bawat tagapakinig o tagabasa.

Sabado, Setyembre 26, 2015

Ang Babae at Ang Lalaki

                       Karapatan isang salita na naglalaman ng maraming kahulugan, maaaring sayo, sa akin at kahit kaninoman. Ang karapatan sa isang tao ay dapat respetuhin at galangin dahil pantay-pantay na ibinigay sa atin ito, simula palang nang tayo ay isilang. Sa tanong na, "bilang lalaki, sang-ayon ka ba sa binibigay na karapatan sa mga kababaihan?". Para sa akin, isang napakalaking OO dahil tao din sila na may puso't damdamin. Marahil ay napagkaitan sila ng karapatan noon ay iginagalang pa rin naman sila noon. At ang mga kababaihan ay may kakayahan din sa lahat ng bagay, kaya nilang makipag sabayan sa mga kalalakihan gaya sa mga trabaho pati na rin sa pamamahala ng ating bayan. Hindi nila inabuso ang pagbigay sa kanila ng karapatan dahil ginagamit nila ito sa tama at mas lalo nila itong inuunlad, kahit na isa akong lalaki ay maipagmamalaki ang mga kababaihan sa lahat ng aspeto.

Biyernes, Setyembre 4, 2015

Hapdi ng Sandali - (Tanka)



Hapdi ng Sandali
ni: Frances Ain Aranjuez

Ako'y tumubo
Ika'y dumapo
Paglipas ng Sandali
Paglisa'y di mawari
Ula'y pumatak muli

Linggo, Agosto 23, 2015

Maging maingat sa Pagpapahayag


Ika-23 ng Agosto,2015

    
    Bakit kailangan maging maingat sa pagpapahayag ng damdamin? Simple lang upang hindi tayo makasakit ng damdamin ng ibang tao. Oo binigyan tayo ng kalayaang magpahayag ng ating damdamin o saloobin, ngunit lahat ng bagay ay may limitasyon at lahat ng sumosobra ay nakasasama. Oo sumosobra dahil minsan ang pagpapahayag natin ng damdamin ay nawawala sa usapan o paksa na inyong pinag uusapan. Kaya dapat maging maingat tayo hindi lang sa bagay kung hindi pati na rin sa ating mga pananalita.

Paano maipapahayag ang damdamin?

Ika-23 ng Agosto, 2015

     Paano maipapahayag ang damdamin? Maipapahayag natin ang ating damdamin sa pamamagitan ng pagbibigay ng saloobin sa isang bagay. Na kung saan binibigyan mo ng opinyon ang nakita o nadinig mo at gumagamit ng ilang ekspresyon upang mas lalong masabi na ito ay nagpapahayag ng damdamin. Sa pamamagitan din ng pagkilos ay maipapahayag natin ang damdamin, sa pamamagitan ng ekspresyon ng ating mukha ay makukuha mo ang gusto nyang iparating sa isang bagay.

Huwebes, Agosto 20, 2015

Sa Unang Markahan



Ika-20 ng Agosto, 2015


   Para sa akin ang unang markahan ay naging makabuluhan dahil sa mga bagay na aming ginawa at dahil kami ay nasa Ika-siyam na baitang na. Marahil marami sa amin ang nabigla dahil may mga bago sa estilo ng pagtuturo ng aming guro dahil na rin siguro ay bago pa lamang sa amin. Gumawa ng mga sanaysay , repleksyon at iba pa. Pati na rin ang pagawa ng "Story book". Ang hindi lang bago samin ay ang aming mga kagrupo dahil sila at sila pa rin ang kasama ko simula baitang 7 hanggang hanggang ngayong baitang 9.

Inaasahan sa Ikalawang Markahan


Ika-20 ng Agosto, 2015

 Ang aking mga inaasahan para sa susunod na markahan ay madami, na kung saan ay gusto kong madami kaming gawing pelikula, role playing, pagsulat ng mga sanaysay o iba pa at iba pa. At magkaroon ng mga bagong grupo upang makilala ko pa ang iba kong mga kaklase. Marahil ay di ko alam kung ano ang aming paksa ngunit sigurado akong madami akong matututunan at mga bagong presentasyon.

Linggo, Agosto 16, 2015

Sabado't Linggo ng Agosto 15 at 16




Ika-15 at 16 ng Agosto, 2015

Araw ng Sabado, ako ay nagtungo sa paaralan dahil kami ay pinapapunta para manood ng Intramurals. Laban ng basketball sa pagitan ng Barangay at Alumni ng MbNHS. Madami ang magaling sa bawat koponan at katabi ko ang dalawa kong kaklase na ginawang committee ng laban. Nanuod din ang iba kong mga kaklase at nagcheer sa laban. Pagkatapos naming manuod ay pumunta kami sa 7/11 para magpalamig at kumain dahil kami ay gutom na. Pagkatapos ay umuwi na kami para magpahinga at gumawa ng mga takdang aralin. Kinabukasan araw ng linggo, tinanghali na ako ng gising dahil na din sa pagod, buong araw ay nanuod lamang ako dahil na tapos ko na lahat ng aking takdang aralin. Ngunit naalala ko na di pa na paplantsahan ang aking uniporme kaya ako na ang gumawa nun. At pagkatapos ay nanuod ng mga palabas at natulog na.

Linggo, Agosto 9, 2015

Sabado't Linggong Puno ng Kasiyahan

Ika-8 at 9 ng Agosto 2015  Araw ng sabado ako ay maagang gumising para sa gaganaping Leadership Development program (LDP) na gaganapin sa Mayamot National High school. Ako ay lubos na nanabik dahil makakasali ulit ako dahil alam kong madaming gagawing activities dito dahil nakasama na ko dito dati pero ngayon ay madami akong kaklase na kasama kaya mas masaya. Ako ay pumunta na sa school dahil susunduin daw kami papunta sa Mayamot matagal kaming nag antay dahil ang tagal ng sasakyan. Kami ay nabigla dahil sa bus kami sasakay as in Bus-surahan, nakadidiri man ngunit masaya habang kami ay bumabiyahe kahit na natutumba, naiipit at naiinitan ay masaya pa rin dahil ine-enjoy lang namin. Nang kami ay makarating na sa Mayamot ay madaming nakatingin samin sapagkat ang ingay namin. Nagsimula na ang programa at nagkaroon ng activities at mga leksyon tungkol sa Red Cross. Masaya ako dahil marami akong nakilala at ang aming paaralan ng Mambugan ay nagpakitang gilas agad sa unang araw ng LDP. Sa aming pag-uwi ay sumakay uli kami sa bus-surahan ngunit sa oras na iyon ay mabaho ang amoy ng sasakyan, ngunit inenjoy lang namin at sa aming pagdating sa paaralan ay masuka suka at mangiyak ngiyak ang iilan sa amin dahil nga sa amoy ng sasakyan. At kami ay masayang umuwi at nagkaroon ng palaisipan kung anong mangyayari sa ikalawang araw ng programa.
Araw ng linggo, ako ay gumising muli ng maaga para maghanda para sa ikalawang araw ng programa. Pumunta na ako sa paaralan dahil susunduin ulit kami, at ganun pa ring sasakyan ang sumundo samin, masaya pa rin dahil nga sama sama kaming mga magkaklase sa iisang sasakyan. Pagdating namin ay nagsimula na ang programa at nagkaroon ng pagsusulit tungkol sa pinag-aralan kahapon. At masaya ako dahil nakapasa ako, at karamihan sa pumasa ay taga-Mambugan at mga 9-Antipolo. Nagkaroon kami ng pagpapangkat at sa pangat 12 ako napunta ang ang pangalan ng aking grupo ay "Team-BA" at gumawa kami ng sarili naming yell at ako ang naging lider ng grupo. Sila ay masayang kasama, napaos lang ako dahil sa yell na aming ginawa. Pagkatapos ay nagsimula na ang mga Activities, sa unang laro ang aking grupo ang nanalo ang "Team-BA" at mayroong labing dalawang activities na gagawin, marami kaming naipasa sa 12 na activities. At pagkatapos nun maliligo na sana kami dahil sa mga putik sa aming katawan ngunit walang tubig. Kaya ng kami ay makabalik sa MambuganNHS ay naligo kami agad at pagkatapos ay pumunta sa bahay nila Lovely para sa kanyang kaarawan at pagod na pagod umuwi ngunit may malaking ngiti na naiwan sa aming mga labi, dahil ito ay hinding hindi malilimutan pangyayari sa aming buhay.

Sabado, Agosto 1, 2015

Kanta-rasyon (Kantang nagbigay inspirasyon)


       Ano nga ba ang nagagawa na isang awitin sa atin? Bakit lagi tayong natutuwa pag naririnig natin ang paboritong kanta? Para sa akin ay dahil nakakarelate tayo sa mga awitin lalo na kapag ang ito ay konektado sa nararamdaman mo, kung baga ito ay nagsisilbing hugot kung tawagin.

       Ang awitin na labis na tumatak sa akin ay ang kantang Invisible ni Hunter Hayes, isang awitin na may kinalaman sa taong hindi sya naiintindihan ng iba na sa tingin nya ay wala sya sa paningin ng mga tao. Kaya nagbigay ito ng mensahe na magtiwala sa isang tao na nandyan palagi sa iyong tabi, hindi ka sasaktan sa pisikal o sa salita, na kayang iparamdam sayo na lahat ng mga napagdaan mong sakit sa iyong buhay ay mawawala ng paunti-unti.
Ang dating ng kantang ito sa akin ay tungkol sa mga kaibigan, hindi sa buhay pag-ibig dahil hindi naman sa lahat ng oras may iniibig ka, dahil habang bata pa ako ay ibabaling ko muna ang sarili ko sa aking mga kaibigan na totoo na hindi ako sasaktan at sa aking pag-aaral.


"Invisible"

Crowded hallways are the loneliest places
For outcasts and rebels
Or anyone who just dares to be different
And you've been trying for so long
To find out where your place is
But in their narrow minds
There's no room for anyone who dares to do something different
Oh, but listen for a minute

Trust the one
Who's been where you are wishing all it was
Was sticks and stones
Those words cut deep but they don't mean you're all alone
And you're not invisible
Hear me out,
There's so much more to life than what you're feeling now
Someday you'll look back on all these days
And all this pain is gonna be invisible
Oh, invisible

So your confidence is quiet
To them quiet looks like weakness
But you don't have to fight it
'Cause you're strong enough to win without a war
Every heart has a rhythm
Let yours beat out so loudly
That everyone can hear it
Yeah, I promise you don't need to hide it anymore
Oh, and never be afraid of doing something different
Dare to be something more

Trust the one
Who's been where you are wishing all it was
Was sticks and stones
Yeah, the words cut deep but they don't mean you're all alone
And you're not invisible
Hear me out,
There's so much more of this life than what you're feeling now
And someday you'll look back on all these days
And all this pain is gonna be invisible

These labels that they give you
just 'cause they don't understand
If you look past this moment
You'll see you've got a friend
Waving a flag for who you are
And all you're gonna do
Yeah, so here's to you
And here's to anyone who's ever felt invisible

Yeah, and you're not invisible
Hear me out,
There's so much more to life than what you're feeling now
And someday you'll look back on all these days
And all this pain is gonna be invisible
It'll be invisible


Sabado, Hulyo 18, 2015

Katangiang Nais sa isang Kaibigan

Ika-18 ng Hulyo, 2015

“Magkaibigan kahitkailan”
Isang linyang dati ko ng napapakinggan
Tungkol sa Kaibigang hindi nang-iiwan
Na laging maaasahan kailanman

Ako’y nagtanung tanung sa aking mga kaibigan
Kung anung depenisyon nila ng kaibigan at tunay na kaibigan
Maraming nagsabi na ang kaibigan ay kasama sa kalokohan
At ang tunay naman na kaibigan ay laging nandyan na laging maaasahan

Kaya nagkaroon ako ng ideya para sa katangian ng aking kaibigan
Kaibigang gusto kong matagpuan
Kaibigang masasabi mong kaibigan
Na hindi ka iiwan sa panahon ng kalungkutan


Ito ang gusto kong kanyang katangian
Madaldal, mabait, mapagbigay at may kakulitan
Pati na rin ang pagiging kalog, maharot, Masaya kasama
kahit walang itsura, basta laging nandyan hinding hindi ka iiwan

Yan ang gusto ko
Hindi man perpekto, pero totoo
Ngunit para sakin perpekto sya
At sana sa pagdating ng panahon mahanap ko na sya.