Huwebes, Nobyembre 19, 2015
TaNay ng Aking Buhay
Mula sa aking pagkabata nakita ko na ang kanilang pagmamahal, pag-aaruga at walang sawang pagsuporta nila bilang magulang. Sa tuwing ako ay makikipag-usap sa aking mga kaklase ay nahihiya akong sabihin ang katagang "Nanay" at "Tatay" dahil ayokong maiba sa aking mga kamag-aral na "Mama" at "Papa" ang tawag nila, nahihiya ako dahil baka mapagkamalan akong sobrang hirap, ngunit aking napagtanto na hindi basehan ang katawagan upang sila'y ipagmalaki o ikahiya kaninuman. Nais ko pa ngang magpasalamat sa kanila dahil lahat ng bagay na gugustuhin ko ay naibibigay nila.
Maaga silang nag-asawa noon sa gulang na labing walo ay nagpakasal na sila. Hindi alam kung paano ang magiging buhay sapagkat ang aking ama ay umabot lamang sa 2nd Year High School, at ang aking ina ay di nakapagtapos ng kolehiyo. Dahil sa sipag at tiyaga nilang dalawa na kahit pangingisda lamang ang hanapbuhay noon ng aking ama ay masasabi kong marangya ang buhay namin. Sa katunayan isa ang aming bahay na may malaking sukat ng lupa sa aming lugar sa probinsya. Nakapagtapos ang aking ate sa kolehiyo at ang isa naman ay "undergrad" ng kolehiyo dahil hindi kayang pagsabayin ang kanilang matrikula. Ako' hangang hanga sa kanila dahil bumibili sila ng mga bagay na alam nilang ikatutuwa ko masyado nila akong "inispoiled" ika nga. Ngayon na nag aaral kami ay lagi saming sinsabi ng aming ama na "Sana buhay pa ko pag nakuha nyo na ang gusto niyong propesyon, kase gusto ko kayong ipagmalaki sa kanila" at "ayokong matulad kayo sakin na High school lang ang inabot ko" habang naririnig ko to ay mayroong kirot sa aking puso, na sana nga ay kapiling pa namin sila pag kami ay nakapagtapos na sa kolehiyo dahil ngayon ay matanda na sila. Pag nangyari yung arae na yun ipagmamalaki ko sila mg husto na kahit ganito ang istorya ng buhay ng magulang ko ay Proud ako dahil pinalaki nila kami ng tama at may pangarap sa buhay.
Sana ipagmalaki natin ang ating mga magulang at kung mayron mang hindi pagkakaunawaa ay ayusin agad natin ito, dahil bilang anak ay kailangan din nating intindihin na ang ating mga magulang ay nag kakaedad na . Tay, nay mahal ko po kayo kahit na hindi ko ito sinasabi sainyo ng personal, dajil kayo ang TaNay na nagsisilbing Tulay sa para aking magandang buhay
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento