Ika-8 at 9 ng Agosto 2015
Araw ng sabado ako ay maagang gumising para sa gaganaping Leadership Development program (LDP) na gaganapin sa Mayamot National High school. Ako ay lubos na nanabik dahil makakasali ulit ako dahil alam kong madaming gagawing activities dito dahil nakasama na ko dito dati pero ngayon ay madami akong kaklase na kasama kaya mas masaya. Ako ay pumunta na sa school dahil susunduin daw kami papunta sa Mayamot matagal kaming nag antay dahil ang tagal ng sasakyan. Kami ay nabigla dahil sa bus kami sasakay as in Bus-surahan, nakadidiri man ngunit masaya habang kami ay bumabiyahe kahit na natutumba, naiipit at naiinitan ay masaya pa rin dahil ine-enjoy lang namin. Nang kami ay makarating na sa Mayamot ay madaming nakatingin samin sapagkat ang ingay namin. Nagsimula na ang programa at nagkaroon ng activities at mga leksyon tungkol sa Red Cross. Masaya ako dahil marami akong nakilala at ang aming paaralan ng Mambugan ay nagpakitang gilas agad sa unang araw ng LDP. Sa aming pag-uwi ay sumakay uli kami sa bus-surahan ngunit sa oras na iyon ay mabaho ang amoy ng sasakyan, ngunit inenjoy lang namin at sa aming pagdating sa paaralan ay masuka suka at mangiyak ngiyak ang iilan sa amin dahil nga sa amoy ng sasakyan. At kami ay masayang umuwi at nagkaroon ng palaisipan kung anong mangyayari sa ikalawang araw ng programa.
Araw ng linggo, ako ay gumising muli ng maaga para maghanda para sa ikalawang araw ng programa. Pumunta na ako sa paaralan dahil susunduin ulit kami, at ganun pa ring sasakyan ang sumundo samin, masaya pa rin dahil nga sama sama kaming mga magkaklase sa iisang sasakyan. Pagdating namin ay nagsimula na ang programa at nagkaroon ng pagsusulit tungkol sa pinag-aralan kahapon. At masaya ako dahil nakapasa ako, at karamihan sa pumasa ay taga-Mambugan at mga 9-Antipolo. Nagkaroon kami ng pagpapangkat at sa pangat 12 ako napunta ang ang pangalan ng aking grupo ay "Team-BA" at gumawa kami ng sarili naming yell at ako ang naging lider ng grupo. Sila ay masayang kasama, napaos lang ako dahil sa yell na aming ginawa. Pagkatapos ay nagsimula na ang mga Activities, sa unang laro ang aking grupo ang nanalo ang "Team-BA" at mayroong labing dalawang activities na gagawin, marami kaming naipasa sa 12 na activities. At pagkatapos nun maliligo na sana kami dahil sa mga putik sa aming katawan ngunit walang tubig. Kaya ng kami ay makabalik sa MambuganNHS ay naligo kami agad at pagkatapos ay pumunta sa bahay nila Lovely para sa kanyang kaarawan at pagod na pagod umuwi ngunit may malaking ngiti na naiwan sa aming mga labi, dahil ito ay hinding hindi malilimutan pangyayari sa aming buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento