Sabado, Marso 19, 2016

Ang Aking Mga Napulot na Aral sa Buong Talakayan

                 Sa sampung buwan na pagtuturo ng aking guro ay isa lang ang natutunan kong mahalaga na aral sakanya, ang dalhin ang mga kwentong napupulot sa tunay na buhay. Dahil dito mas nagiging bukas ang ating kaisipan sa realidad ng buhay. At isa rin ang pagpasa ng mga gawain sa tamang oras dahil hindi sa lahat ng panahon ay mapagbibigyan na hindi ito ipapasa sa itinakdang panahon.
                 Maaaring napaka-ikli ng aking naisulat ngunit ito ang pinakamahalagang aral na natutunan ko ang maging makatotohanan, na hindi lahat nangyayari ang ibang bagay gaya ng mga "fantasies."

Karanasan sa Asignaturang FILIPINO

                   Sa kauna-unahang pagkakataon ay dito ko na naranasan ang hirap at pagod sa asignaturang Filipino, dahil noon ay hindi naman ito gaano kahirap. Dahil ngayon ay hindi lamang puro pagbabasa dapat inuunawa ito, at hindi lamang inuunawa dapat isinasabuhay din ito.
                  Sa Unang markahan ay ayos pa naman lahat, dahil sabi ng aming guro ay baka "ma-culture shock" kami pag binigla kami sa mga gawain dahil minsan hindi namin naipapasa ng nakatakda sa petsang ibinigay niya sa amin. Kaya naging leksyon ito para sa susunod na markahan.
                  Sa ikalawang markahan ay nagustuhan ko ang mga talakayan, dahil sa mga kwentong may mga kabuluhan. Hindi natin alam na may mas malalim pala itong pagpapakahulugan kaya humahanga ako sa mga kwento rito.
                  Sa ikatlong markahan naman ay lumabas ang aming mga itinatagong kakayahan dahil sa mga presentasyon na aming ipinakita, mula unang markahan hanggan ikatlo ay masasabi kong nag-improve ang aming mga gawa.
                  Sa ikapat na markahan ay tinalakay namin ang pinakamahirap na markahan dagil bukod sa pagtalakay sa buong nobela ay gagawa pa ng isang film na labis na nagpahirap sa amin ngunit kahit na ganoon ay mas nalalaman namin ang kahulugan ng nobelang ito.
               

Lunes, Enero 18, 2016

Pagpapahalaga sa mga Nagawa at kadakilaan ni Rizal

   
         Bilang isang kabataan, mapapahalagahan natin ang mga nagawa ni Rizal para sa ating bansa kahit sa maliit na bagay lamang gaya ng pagtangkilik o pagbabasa ng kanyang mga ginawang nobela gaya ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Nang dahil dito sa kanyang nobela ay naudyok nya ang mga Pilipino para lumaban sa ating bansa. Mapapahalagahan din natin ito sa pamamagitan ng pagtingkilik ng sarili nating produkto, paggsunod sa batas at marami pang iba, dahil kung ipapakita natin ang pagmamahal natin sa bayan ay pagpapakita na rin ito ng nasyonalismo.

Linggo, Enero 3, 2016

Christmas Eve

 Ang Pasko ay panahon ng pagmamahalan at pagbibigayan. Mas ramdam natin ang kapaskuhan kapag kasama natin ang ating pamilya o mahal sa buhay. Hindi man gaano kadami ang nakuha kong regalo, ay masaya na ako dahil sa pagmamahal pa lamang ng aking mga kaibigan at kapamilya ay isang napakalaking regalo na ito para sakin. Ngayong pasko ay isa sa mga nagustuhan kong nangyari dahil nagkaroon kami ng "BOODLE FIGHT" sa tapat ng aming bahay, kasama ang aking pamilya at mga kapit-bahay, na ito ang aming naging "Noche Buena". Masaya dahil sasama kaming magkakapit-bahay sa inihandang pagkain para sa lahat. Pagkatapos ay nagkaroon ng sayawan at kung anu-ano pa. Sana kahit hindi pasko ay magmahalan tayo, na sana parang araw-araw ang pasko upang magkaroon ng kapayapaan sa ating mundo.

Wishlist

  Wishlist? Para saan nga ba ito? Ito ang mga bagay na gusto mong makuha, makita o maranasan, ngunit hindi natin makukuha ang mga ito kung hindi tayo magtitiyaga na abutin ito. Dahil ang wishlist ay parang nagsisilbing pangarap na gusto mong aubutin.
 Ang tanging wish ko lang ngayon ay maging masaya ang buhay, maranasan ang mga bagay na hindi pa nakakamtam gaya ng pagtatravel dahil guto ko ang paggagala, mabuting kalusugan para sa aking pamilya at higit sa lahat ay maging mas makabuluhan ang mga taon na darating.